WHAT DOES YOUR CHURCH WEAR REVEALS ABOUT YOU?
Gaano ka katagal mag-isip ng isusuot sa pagsisimba?
a. Pagkabangon, kung anong soot ko, yun na yun.
b. That morning din lang ako nagdedesisyon.
c. Di na ako nag-iisip kasi uniform ng
collector/choir/layminister/usher/lector ang isosoot ko.
d. Aba, gabi ko pa pinag-isipan yan!
e. Mga one hour, at least.
Anong sa tingin mo ang major criterion sa pagpili ng damit na isusuot sa pagsisimba?
a. Comfort. Antagal kaya ng homily ni Father,
at least, comfortable ako kapag nakatulog sa Mass.
b. Style. Linggo kaya!!! Di ko kayang mag-malling
afterwards kung nakabestida/longsleeves noh?
c. Propriety. According to the Dress Code na
pinalabas ng Diocese, Long Pants and Polo for men,
Manang Skirts for women. Mahirap bang intindihin yun?
d. Stage Presence. I can’t just be there and be lost in the crowd.
e. Audience Impact. Andami kayang taong makakakita sa akin
so why the promdi look diba?
Saan ka madalas umupo sa loob ng simbahan?
a. Sa likuran. Or more precisely, sa tabi ng exit.
b. Sa tabi ng electric fan. Sayang ang porma ko kung
lagkitan naman sa pawis ang leeg ko diba?
c. Sa upuan kung saan may nakalagay na “reserved seats”
kung saan parepareho kami ng soot.
d. As close to the altar as possible.
Para alam ni Father, present ako.
e. Sa gitna ng simbahan, sa tabi ng aisle.
Kapag super-init sa loob ng simbahan
at nagsisimula ka nang magpawis, anong una mong gagawin?
a. Lalabas ng simbahan.
b. Maghahanap ng electric fan.
c. Maglalabas ng abaniko na gawa
sa sandalwood at tatanggalin ang belo.
d. Maglalabas ng Wet Wipes tapos magpapapaypay
sa maid gamit ang isang giant anahaw fan.
e. Maghuhubad.
Ang ultimate Sunday wear para sayo ay:
a. Tee-shirt, slimfit jeans, havaianas o at syempre, i-pod.
b. Cargo pants, merrel sandals at polo shirt sa lalake;
short-sleeved blouse, Crocs at roll-up drawstring pants
naman para sa babae.
c. Damit na pang-first communion o pang-ninong/ninang sa kasal.
d. Kahit na anong disenteng damit basta
match sa jewelries na isusuot ko that day.
e. May isang giant cross sa gitna ng dibdib
tapos nakabelo ng chiffon hanggang talampakan.
Tapos yun lang. As in yun lang.
How much are you willing to spend para sa sa isusuot mo sa Linggo?
a. Not much. Kung ano suot ko sa Linggo,
yun din soot ko sa buong linggo.
b. Depende sa sale na pupuntahan ko mamaya after the Mass.
c. Depende sa sinabi ni Father sa homily nya last Lent.
d. Not much. Mga 50K or so.
e. Tama lang, basta ba maha-highlight ang cleavage/pectorals/abs/pusod ko.
If you would dare to make a fashion comment kay Father, ano ito?
a. Pads,cool sandals natin ah.
b. Father, sa Market! Market! mo rin ba nabili ang shirt mo?
(pre-recorded reply naman ni Father: Naku, regalo lang ‘to!)
c. Padeeehr, bagay na bagay sayo, Padeeehr. (repeat to fade…)
d. Fuhther, what’s your shirt size ba?
I think I just saw a shirt in Milan just for you.
e. Haaayy…Father, masyado ka namang balot na balot!
You shouldn’t hide your assets behind all that cloth.
Kung bibigyan kang pagkakataong damitan ang isang Santo,
ano ang idadamit mo sa kanya?
a. Bakit pa natin papakialaman soot nila.
As if it matters, diba?
b. Maghahanap ako sa Tutuban ng pwedeng pandamit nya.
c. Yarda-yardang telang puti
d. Gold-threaded emsemble, korona at ma-diamanteng “halo”
e. Fig leaf sa private parts atsaka isang apple
How to compute your score: Bilangin mo kung aling letra ang pinakamadalas mong pinipili. Yun ang type of parishioner ka.
Madalas letter A. The Leisurely Slacker. Ang mga taong tumutugma dito ay madalas introverted at may pagka-antisocial. Malapit sila sa Diyos pero sa tao, parang ewan lang. Meron silang cynical na pagtingin sa buhay, pa-artist kuno na attitude at medyo dark na humor, gayun pa man, sila ay larawan din ng tunay na humility. Sila rin ang may pinaka-honest at sincere na opinyon tungkol sa simbahan. Madalas, ang prayer nila ay for inspiration and guidance.
Madalas letter B. The Mallville Citizen. Ang araw ng Linggo at Sabado sa kanila ay sagrado, sagrado for malling purposes. Nagsisimba sila para mahintay ang pagbubukas ng SM. Gayunpaman, ang mga Mallville citizens ang mga pinaka-family oriented, pinakasociable sa lahat. Sila rin ang tunay na nakakaappreciate sa homily ni Father, lalo na kung may pop culture references. Madalas ang prayer nila ay tungkol sa trabaho o kaya ay sa family.
Madalas letter C. The Church Manang/Manong. Unipormado, naka-Avon na pamango, Natasha na footwear at ngiting praktisado, sila ay mga die-hard Sharonians. Madalas, daig pa nila ang parish priest sa pagkaistrikto sa regulations sa simbahan. Madalas ay saulado nilang lahat ang mga kanta sa Mass, pati novena ng Perpetual Help. Malabatas para sa kanila ang mga utos ni Father. Nababalitang mga ipokrita’t tsismosa, pero sa totoo ay kakakikitaan din sila ng pusong tunay na nagnanais maglingkod at dumamay sa iba. Madalas ang dasal nila ay tungkol sa health o sa mga kaanak nila.
Madalas letter D. The Benefactor. Donyahan sa kakinangan. Ang lalaki nama’y mga mukhang pensyonado. Mataas ang pinag-aralan kaya nahuhuli nila ang mga theological palusot ni Padre. Sila ang dahilan kung bakit may budget ang simbahan. Minsan, sila rin ang problema ng parokya dahil sa mga kapritso nila. Madalas pagkamalang isnabero’t matapobre, pero ang totoo’y sabik silang magkaroon ng kaibigan. Madalas ang dasal nila ay tungol sa kaaway o problema sa negosyo o sa mana.
Madalas letter E. The Viva Films Talent. Ang mga babae’y suki ng Southbeach at Xenical. Ang mga lalaki’y tambay sa gym. Mga di mo napapansin noong highschool pero nung nag-bloom eh nasobrahan naman yata. Model-modelan pero ang totoo’y mababa ang self-esteem, mahina ang self-image. Madalas, misunderstood kaya may pagkarebelde at may pagkaloner, pero sila ay mga loyal na kaibigan at mga passionate na syota. Dama nila na kahit simangot ang lahat, eh ”tanggap sila ni Lord.” Madalas ang dasal nila ay tungkol sa true love at everlasting relationship.
O? Ano nang result ng quiz mo? Ishare mo naman!ΓΌ
No letup in truth-telling for VERA Files
-
After the initial jolt over the announcement of Meta that it is ending its
third-party fact-checking program starting in the United States, we
reminded our...
1 week ago
No comments:
Post a Comment